Abante Tonite Interactive

200 pamilya nasunugan sa Novaliches

By
1,891

Umaabot sa 200 pamilya ang nawalan ng tahanan at tinatayang nasa P1 milyong mga ari–arian ang natupok sa naganap na sunog sa Novaliches, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa report ni QC Fire Marshall Sr. Supt. Manuel Manuel, dakong alas-10:00 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa may dalawang palapag na bahay sa No. 31, Anonas St., Ibayo 2 Iba­ba, Sauyo Road, Brgy. Bagbag, Novaliches, na pag-aari ni Elton Tiozon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, walang kuryente sa naturang lugar kaya ang hinihinalang sanhi ng sunog ay ang naiwan na nakasinding kandila sa ta­hanan ng mga Tiozon at mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay.

Abante Hiring – IT dep

Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog at naapula lamang ­bandang ala-una ng madaling-araw nitong Sabado.