Abante Tonite
Mabilis sa Balita

200 PSC empleyado virus free – Fernandez

0 237

Naitala ng Philippine Sports Commission (PSC) ang maayos at malinis na resulta sa pagkontrol sa mapanganib na coronavirus disease 2019 o COVID-19 nang magnegatibo ang lahat ng empleyado.

Ayon kahapon kay PSC-Officer-In-Charge, Commissioner Ramon Fernandez tagumpay na nalampasan nila ang lumaganap na virus noong Marso dahil agad na pagpapatupad ng pangkontrol at pag-iingat na mahawa sa nakamamatay na pandemya.

Hinirit niyang 200 empleyado at workforce, kasama na ang national athletes at coaches, na sumailalim sa swab-test sa nakaraang linggo’y pawing mga nagnegatbio sa COVID-19.

“We are thankful to the Lord that the PSC community is free from COVID-19. We hope and pray it stays that way,” ani Fernandez, na sumailalim din sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.

Ginawa ng PSC ang RT-PCR tests sa mga PSC staff, sa 112 miyembro ng national team sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at 88 sa PhilSports Complex sa Pasig City. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.