Abante Tonite Interactive

2,000 iPhone pinamigay ng Japan sa mga pasahero ng Diamond Princess

250

Libreng namigay ang Japanese go­vernment ang 2,000 iPhone sa mga pasahero na naka-quarantine sa Diamond Princess cruise ship dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Ang mga nasa cabin ay binigyan ng tig-iisang smartphone upang ang mga naistranded na pasahero sa barko ay makagamit ng app na ginawa ng gobyerno, at ito ay ang Macotakara via 9to5mac.

Sa nasabing app mula sa Japanese Ministry of Health, Labour and Welfare ay maaaring makapag-request ng kanilang mga pangangailangan ang mga pasahero sa barko.
Ayon sa The Japanese government, ang paggamit ng teknolohiya ang kanilang naisip na pamamaraan upang masawata ang COVID -19. Ang mga smartphone na nakarehistro sa labas ng Japan ay hindi umano maka-access sa app.

Nabatid na umaabot sa 3,500 passenger at crew member ang naka-quarantine sa barko at 170 dito ang nagpositibo sa virus.

Ang mga ipinamahaging iPhone ay may predownloaded app kung saan ay maaaring makapagpadala ng kanilang mga kahilingan ang mga pasahero. (Dolly Cabreza)