Abante Tonite Interactive

200,000 worker nabigyan ng tulong – DOLE

935

Ibinalita ng Department of Labor and Employment (DOLE) na halos 200,000 manggagawa na ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa mga programa ng gobyerno upang maibsan ang epekto na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang ulat, sinabi ng DOLE na nasa P622 milyon mula sa pondo ang naipamigay na tulong sa mga benepisyaryo ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD)-Barangay ko, Bahay Ko (BKBK) program.

Noong Abril 4, mayroong umanong 102,895 manggagawa mula sa formal sector ang tumanggap ng P5,000 cash assistance sa ilalim ng CAMP habang halos 80,000 manggagawa sa informal sector ang nakinabang sa TUPAD BKBK program.

Naging mabilis ang pagpapalabas ng tulong pinansiyal matapos ang kautusan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III noong nakaraang linggo para sa mga opisyal ng kagawaran na mapagaan ang mga kinakailangan sa pagsusumite ng dokumento ng mga kompanya para sa pagproseso ng ayuda sa kanilang mga manggagagawa.(Mina Aquino)

Tonite – Wendys Inhouse Ad