Abante Tonite
Mabilis sa Balita

200K private school student lumipat sa public

0 365

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na mayroon nang 233,169 mag-aaral sa mga private school ang lumipat at naka-enroll ngayon sa mga pampublikong eskuwelahan dahil sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, isa sa nakalap na dahilan ng paglipat ng mga mag-aaral mula private school ay maraming naapektuhang manggagawa at trabaho.

Samantala, batay sa idinaos na Brigada Eskwela virtual press conference, nasa 18,871,245 pa lamang ang nakapag-enroll kumpara sa inaasahang 27.7 mag-aaral para sa school 2020-2021. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.