Abante Tonite
Mabilis sa Balita

200M COVID bakuna bubuhos sa `Pinas – Galvez

0 291

Ibinalita ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na makakakuha ang Pilipinas ng mahigit 200 milyong dose ng COVID-19 bakuna mula sa iba’t ibang pharmaceutical company gayundin sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO).

Base ito sa ulat ng kalihim kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong ng mga miyembro ng gabinete na ginanap sa Malacañang, Huwebes ng gabi.

Paliwanag ni Galvez, 158 milyong dose ng bakuna ay binili ng Pilipinas habang makukuha naman sa pamamagitan ng COVAX facility ang 44 milyong dose pa.

“Ngayon po makukuha po natin `yong 202 million doses. Ito po ang mabibili po natin at ibibigay po sa atin ng COVAX,” pagbabalita ni Galvez.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni Galvez, kabuuang 300,000 dose ng Sputnik V vaccine ang darating sa susunod na linggo at 1.3 milyong dose pa sa susunod na buwan. May parating din na 25,000 dose ng Moderna vaccine na binili ng pribadong sektor.

Sa Mayo 20, 500,000 dose ng Sinovac ang darating at 1.3 milyon pa sa katapusan ng buwan.

Lalagda rin aniya sa isang kasunduan ang pamahalaan para makabili ng 40 milyong dose ng bakuna na gawa ng Pfizer-BioNTech. Isasapinal na rin aniya ngayong linggo ang mga supply agreement para sa bakuna na gawa naman ng Novavax at Johnson & Johnson.

Sa tantiya ni Galvez, maaaring magbigay naman ang COVAX facility ng 2.2 milyong Pfizer vaccine ngayong Mayo hanggang Hunyo at dalawang milyong AstraZeneva bakuna para naman sa pangalawang turok nito. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.