Abante Tonite Interactive

2017 world champ Astros nandugas

0 261

Pinarusahan ni Houston Astros ow­ner at chairman Jim Crane nitong Lunes ang team manager at general manager makaraang mabuking ng Major League Baseball na iligal na bumuo ang Astros ng sistemang nagtuturo sa code at komunikasyon ng mga kalabanang koponan sa kanilang 2017 championship season.

Sinuspinde sina Astros manager AJ Hinch at ge­neral manager Jeff Luhnow without pay ng isang taon nang mabisto sa imbestigasyon ng liga ang paraan ng pandaraya, ayon kay MLB Commissioner Robert Manfred Jr.

Tatagal ang suspensyon hanggang 2020 World Series, ‘di pa kasama ang MLB penalties.

Na-forfeit pa ng team ang regular first and second round selections sa 2020 at 2021 drafts bukod pa sa $5 million fine.

Ang pagnanakaw sa koponan ay ginawa ng team sa pamamagitan ng base runner sa second base na nagbibigay ng pitch selection sa hitters. Mahigpit na pinagbabawal ng liga ang paggamit ng electronic devices upang kumuha ng signs.

May sanction din ang liga kay Astros assistant team manager Brandon Taubman na sinibak nitong Oktubre dahil sa pagkapikon sa postgame sa isang lady reporter tapos magkampeon ng koponan sa American League Series. (JAT)