Abante Tonite Interactive

2018 APT lalarga sa Setyembre 13-24

By
56

Isa na namang international poker event ang gaganapin sa bansa sa Setyembre 13-24 kaya naman excited na ang mga kababayan natin na muling makipagtagisan ng galing sa poker table laban sa mga poker professio­nal mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Magsisilbing host sa 2018 Asian Poker Tour (APT) ang Resorts World Manila at sa unang araw pa lang ay may pasabog agad ang torneo dahil high roller event agad ang nakalinya.

Sa nakita nating imbitasyon ng APT, P500,000 daw ang buy-in sa Super Coin Poker High Rollers kung saan inaasahang lalaro ang top Filipino poker player at two-time APT champion na si Mike Takayama.

May dalawang big events na nakalinya para sa lahat ang APT ngayong taon – ang No Limit Hold’em Main Event na magsisimula sa Setyembre 15 at ang No Limit Hold’em Championship Event na magsisimula sa Setyembre 22.

Siguradong marami na namang magiging milyonaryo sa mga nasabing event tulad ng Main Event ng Asia Pacific Poker Tour (APPT) noong Agosto kung saan lahat ng pumasok sa final table ay naging milyonaryo.

Parehong P55,000 ang buy-in ng Main Event sa APPT at APT kaya posibleng hindi rin magkalayo ang prem­yong paghahatian ng mananalo, maliban na lang kung lala­ngawin ang event.

Nasa P75,000 naman ang buy-in sa Championship Event ng APT kaya malamang ay pumalo sa walong pigura ang iuuwi ng kampeon dito.

Marami ring side events na nakalinya para sa walang masyadong budget ang APT at siyempre pa, meron ding mga satellite event para sa Main Event at Championship Event.

Kasama ang inyong lingkod sa walang masyadong budget na players kaya malamang na makalaro lamang tayo sa mga satellite event.