Abante Tonite Interactive

2018 Indonesia Asiad opisyal nang nagbukas

By
264

Pormal nang nagbukas kagabi ang 18th Asian Games sa Gelora Bung Karno Stadium sa Jakarta, Indonesia.

Bilang hudyat sa opening ng quadrennial sporting event, pumasok sa stadium sakay sa isang motorsiklo si Indonesian President Joko Widodo, habang nag-alay naman ng tradisyunal na sayaw na Tari Aman ang mga host.

Pumarada sa opening ceremonies ang higit 6,000 kalahok na atleta at mga delegasyon mula sa 45 participating countries.

Pagparada ng Philippine delegation sa loob ng stadium, damang-dama ni Fil-American Jordan Clarkson ang pagiging Pinoy habang ibinabandera ang bandila ng Pilipinas.

Maging ang PBA cager na si Stanley Pringle, na isa ring Filipino-American, ay masayang itinataas ang maliit na bandera kasama sina Fil-Tongan Asi Taulava at Paul Lee.

Nakita rin sa telebisyon si 2002 Busan, South Korea Asian Games equestrian gold medalist Mikee Cojuangco na iwinawagayway ang Philippine flag.

Malakas naman ang naging hiyawan kasama ang ilang mga miyembro ng Philippine media na nasa Main Press Center nang magmartsa sa kanilang harapan ang nagsamang North at South Korea sa nasabing parade of nations.

Huling nag-host ng Asian Games ang Indonesia taong 1962.