Abante Tonite Interactive

2019 aprub badyet tadtad ng pork — Andaya

227

Hindi pa rin nakaligtas ayon kay House Appropriations Committee Chair Rolando Andaya Jr. sa pork barrel ang P3.757 trilyong 2019 national budget.

Ito ayon kay Andaya ay dahil sa ginawang mga insertion sa pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi rin ng solon na mayroong P50 bilyong lump sum o tig-P160 milyon ang bawat kongresista habang tig-P3 bil­yon naman ang mga senador.

Nabatid din na umabot sa P20.65 bilyon ang realignment ng Kamara habang P25.4 bil­yon naman sa Senado o nasa kabuuang P46.35 bilyon sa DPWH.

Umaabot naman sa P46 bil­yon ang idinagdag ng Kongreso sa DPWH at P17.5 bilyon sa Department of Health (DOH).
Ibinuking din ni Andaya na bigo si House Spea­ker Gloria Macapagal Arroyo sa hirit na dagdag alokasyon sa ilang piling ahensiya ng pamahalaan.

Napagkayarian din sa bicam ang mga sumusunod na realignment, P1.77 bilyon sa Senado, Office of the Vice President (OVP) P215 milyon; Office of the Ombudsman, P1.8 bil­yon; Department of Agriculture (DA), P485.5 milyon; Department of Education (DepEd), P2.5 bilyon; State Universities and Colleges (SUCs), P2.81 bil­yon; at iba pa.

Inihayag ni Andaya na ina­bandona na ang cash-based budgeting system na pinauuso at itinutulak ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno.

“We agreed to junk Sec. Diokno’s one year cash-based system,” sabi ni Andaya.

Kagyat namang naratipikahan ang 2019 national budget para sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte.