Abante Tonite Interactive

2019 Palarong Pambansa nakabitin

By
209

Malaking katanungan sa iba’t ibang opisyal ng mga kalahok na rehiyon at maging mga National Sports Association technical official ang petsa ngayong taon ng Pala­rong Pambansa (PP) na iho-host sa unang pagkakataon ng Davao City.

Ikinababahala nila, maging ng mga coach sa multi-sport meet ang kawalan ng anunsiyo sa pagsasagawa nito dahilan na rin sa marami ang mga nakalinya pang pambansang aktibidad.

Isa na sa idinahilan ng mga opisyal ang maagang pagsasagawa ng mga qualifying leg ng Batang Pinoy sa buong buwan ng Pebrero hanggang Marso at ang isasagawa pang pambansang eleksyon sa darating na Mayo.

Inaasahang mapupuno ng mga pagbabago ang pagsasagawa nga­yong taon ng PP dahil sa pakikipagtamabalan ng Department of Education sa Philippine Sports Commission, at Department of Interior and Local Go­vernment para iangat ang kalidad ng grassroots sports sa bansa.

Ito ay matapos magkaisa sina DepEd Secretary Leonor Briones at PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez kamakailan. ()