Abante Tonite Interactive

2019 Philippine Hip Hop Dance Championship hahataw sa CCP

260

Itatampok ngayon ng Cultural Center of the Philippines at Hip Hop International Philippines ang 2019 Philippine Hip Hop Dance Championship.

Sisimulan ang eliminations sa April 13 at ang finals ay sa April 14, 2019 kung saan nasa 70 crews at higit 800 dancers ang inaa­sahang lalahok.

Kasunod ng nasabing dance cham­pionship ang World Battles Philippines 2019 at after-party na gaganapin sa Cove Manila sa April 14, 9pm.

Ang nasabing kompetisyon ay may 5 divisions: Junior Division (5-9 members, 7-12 years old), Varsity Division (5-9 members, 13-17 years old), Adult Division (5-9 members, 18 and above), Megacrew Division (10-40 members) and the Minicrew Division (3 members).