Abante Tonite Interactive

2019 PSL All-Filipino Conference Team Preview

298

Foton Tornadoes babangis sa magkapatid na Santiago

Balik ang magkapatid na Jaja at Dindin Santiago sa Foton Tornadoes Blue Energy tapos ng V League-Japan stint kaya siguradong contender ang koponan sa darating na 6th All-Filipino Conference 2019 ng may pitong taong Philippine Superliga.

Muling ipaparada ng Foton ang dalawang national team member din para sa kanilang kampanya midseason conference na magbubukas sa June 15.

Abante Hiring – IT dep

Bukod sa magkapatid na Santiago, balik-court din si Arianne Layug, na uminda ng knee injury noong nakaraang taon, at si EJ Laure, na nagka-shoulder injury.

Mas lalo pang tatatag ang opensa at depensa ng tropa sa pagpasok ng ilang bagong recruit gaya ni Laizah Bendong mula UE, na tinanghal na UAAP Season 81 Best Setter, at sina Marianne Buitre at Justin Dorog na buhat sa UP.

Makakasama pa ng team si UAAP Season 81 Rookie of the Year Eya Laure, pero ‘di agad ito sasabak sa aksyon hanggang sa bumuti ang lagay dahil din sa injury.

Pasok din si Elaine Kasilag sa line-up ng Blue Energy, na nag-ober da bakod mula sa kabilang liga.

Mula sa All-Star roster ng Foton, susubukan nitong muling ibalik ang dating laro sa liga sa pangunguna ni Aaron Velez. (Fergus Josue, Jr.)