Abante Tonite Interactive

202 patay sa dengue sa 5 rehiyon

208

Umabot na sa 202 katao na dinapuan ng dengue ang nasawi sa limang rehiyon pa lamang sa bansa mula Enero hanggang Hulyo 13 ngayon taon.

Sa ipibalabas na data ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), simula Enero 1 hanggang Hulyo 13, ito umano ay bahagi ng naitalang 38,804 kaso ng dengue sa CALABARZON, Regions VI, VII, VIII at Soccsksargen.

Sa istadistika ng NDRRMC, ang CALABARZON ay may 13,032 dengue cases at 50 na ang nasawi. Habang sa Region VI, pumalo na sa 15,813 ang kaso kung saan 90 ang nasawi; Region VII may 9,594 na dengue cases at 62 ang patay; Region VIII may 57 na kaso ng dengue; at sa Soccsksargen ay may 308 dengue cases. (Juliet de Loza- Cudia)