Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2020 Jones Cup kanselado na rin

0 185

HULING napabilang ang 43rd William Jones Cup na ginaganap kada taon sa Taiwan na nakanselado dahil sa patuloy na lumalaganap sa buong mundo na novel coronavirus.

Inihayag ng Chinese Taipei Basketball Association sa inilabas na opisyal na pahayag kung saan ipinaalam ng pederasyon na lubhang mabigat na desisyon ang suspendihin ang taunang invitational basketball tournament.

Kinunsidera ng federation ang mga inaasahang magiging “inconveniences” sa mga bibisitang koponan sa pagpasok sa bansa sa tuluyang pagkansela ng torneo.

Iniulat ng Taiwan News na inatasan mismo ng Central Epidemic Command Center ang nag-oorganisang CTBA na dapat na makapagbigay ng mga negatibong test results ang lahat ng mga dadayong manlalaro sa torneo bago nito tuluyang makapasok ang mga koponan sa bansa. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.