WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Cyber crime sa pandemya binabala ng DOF

Inaasahan ng Department of Finance (DOF) ang pagdami ng iligal na aktibidad sa internet dahil marami nang Pilipino ang nagsasagawa ng online transaction ngayong COVID-19 pandemic.

Sa kabila nito, tiniyak ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa publiko na nakahanda ang mga awtoridad para habulin ang mga indibiduwal na gumagawa ng iligal na aktibidad.

Inalerto na aniya ang Philippine National Police (PNP) at ang Department of Justice (DOJ) at nag-upgrade na rin ng kanilang kapasidad para ma-detect, imbestigahan at makasuhan ang mga cyber criminal.(Juliet de Loza-Cudia)