Malapit nang mapuno ng mga pasyenteng may COVID-19 ang mga city hospital at 12 quarantine facility sa Maynila, ayon kay Mayor Isko Moreno.
Malungkot na inanunsyo ito ni Moreno kasabay ng panawagan sa mga Manilenyo na seryosohin ang pagtalima sa mga safety protocol laban sa COVID katulad ng pagsusuot ng face mask sa publikong lugar, palagiang paghuhugas ng mga kamay at physical distancing.
Sinabi ni Moreno na may anim na ospital at 12 quarantine facility sa Maynila na halos aabot sa 600 ang bed capacity subalit malapit na aniyang mapuno ang mga ito.
Kailangang sanayin aniya ng mga Manilenyo ang kanilang sarili sa mga safety protocol para makaiwas sa COVID. (Juliet de Loza-Cudia)