WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Tarlac nag-export ng okra sa Japan

Mahigit sa dalawang toneladang okra mula sa mga magsasaka sa Tarlac ang inumpisahang i-export sa apat na pangunahing siyudad sa Japan.

Pinangunahan ni Department of Agriculture Secretary William Dar ang send-off sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang unang batch ng okra para i-export sa mga siyudad ng Tokyo, Osaka, Kobe at Nagoya.

Ayon kay Dar mabibiyayaan ang may 300 magsasaka sa lalawigan ng Tarlac sa gitna ng pandemiya sa ginawang pagpapadala ng toneladang okra sa Japan. Kasama ng kalihim ang batang henerasyon ng mga magsasaka ng Jet Farms sa ceremonial send-off na ginanap sa Pairpags Center sa NAIA road, Pasay City kahapon.

Ang unang okra export ay produkto ng 300 mambubukid mula sa labing apat na barangay ng Victoria, Balayang, Palacpalac, Batang-batang, Lalapac, Mayang, San Pascual, Villa Bacolod, Matayumtayum, San Jose, San Miguel, Balingcanayan, Cutcut at Lapaz sa lalawigan ng Tarlac. (Otto Osorio)