WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Arjo naasar kay Maine

NI: ROLDAN CASTRO

Kamakailan ay lumabas sa Abante Tonite na kamukha ni Arjo Atayde ang Miami Heat player na si Duncan Robinson. Ang biro ay NBA player na ang dyowa ng actress-TV host.

Pinagtripan naman ni Maine Mendoza ang boyfriend. Asar-talo ito dahil nag-post ito sa IG ng magkatabing photo nina Arjo at Duncan.

“Congrats, @arjoatayde,” ang caption niya na may emoji na tumatawa.

Ni-repost naman ito ni Arjo at may caption na, “Delete this photo please …. HAHAHAHHA!”

Bongga ang kulitan ng mag-dyowa,huh!