Mayroong inilaang P4 bilyong pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 para sa Department of Education (DepEd) upang ipambili ng gadget ng mga guro at iba pang mga kagamitan na may kaugnaya sa online learning.
Inihayag ito ni Senador Sherwin Gatchalian sa isang panayam kung saan tinanong sa kanya ayuda para sa sektor ng edukasyon sa ilalim ng Bayanihan 2.
“My suggestion to them is to spend the entire 4 billion for laptops and gadgets for our teachers. Importante na ang ating mga guro ay may sapat na kagamitan, hindi na magagamit ngayon `yong chalk and blackboard ang kailangan nila ngayon ay laptops dapat gamitin itong pondo sa pagbibili ng laptops,” ani Gatchalian.
Aniya pa, dapat bigyan ng connectivity ang mga guro dahil nauubos ang sariling pera ng mga ito para sa data plan at pangtawag sa mga estudyante.