WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Minahan palakasin para maraming trabaho – Dominguez

Kumbinsido si Finance Secretary Carlos Dominguez III na kailangang buhayin ng pamahalaan ang industriya ng pagmimina para makalikha ng mas maraming trabaho, partikular sa kanayunan.

Sa idinaos na Ika-46 na Philippine Business Conference & Exposition ng

Philippine Chamber of Commerce and Industry’ sa Seoul, Korea, sinita rin ng kalihim ang Board of Investments (BOI) ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa kabiguan nitong manghimok ng mga negosyante na umaalis sa China papasok sa Pilipinas.

Aniya trabaho ng BOI na direktang kausapin ang mga lumalayas na kompanya sa China para magtayo naman ng negosyo sa Pilipinas.

Marami umano sanang Pinoy ang kumikita at may trabaho kung hindi patay-patay sa tungkulin ang BOI.

“What are trade attaches doing, have they identified companies moving out of China? I said the most important thing is to talk directly to these companies. I do not want to criticize the BOI but the BOI does not see itself as a marketing organization,” ani Dominguez.

Iginiit ng kalihim na dapat tukuyin ng BOI ang mga kompanyang wala pang negosyo sa bansa at himukin ang mga ito na mag-invest sa Pilipinas.

“Why doesn’t the BOI go out and say this is the industry we want to come in…BOI should go out and say these companies are the ones we want to come in,” diin pa nito.

Dahil dito kung kaya’t itinutulak umano nila ang pagbuhay sa industriya ng pagmimina dahil tiyak na maraming makikinabang dito sa mga rural area na walang trabaho.

Pinayagan na kamakailan ng DENR ang pagbabalik-operasyon ng pagmimina matapos itong maipatigil ng ilang buwan dahil sa COVID-19.