WebClick Tracer

METRO

Batasan pinalibutan ng pulis, ambulansya

ISANG convoy ng mga truck mula sa Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang pumwesto na sa harapan ng Batasan Road sa Quezon City malapit sa Batasang Pambansa.

Ngayong araw ang nakatakdang special session sa House of Representatives kaugnay sa budget.

Nasa harapan ito ng Quezon City Police District Station 6.

Mayroon din itong kasamang mga ambulansya at ibang uri ng mga sasakyan.

Galing ang mga pulis sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sinabi naman ni QCPD Station 6 commander Police Lieutenant Colonel Romulus Gadaoni na iurong ang PNP-SAF para hindi masyadong magtawag ng media o magdulot ng takot.

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara na magsagawa ng special session para matiyak na maipapasa ang budget sa susunod na taon.

Ang Special Session ng Kamara ay sa October 13 – 16. (Kiko Cueto)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID