WebClick Tracer

NEWS

Dyowa online scam lumobo

Ni Nancy Carvajal

Mag-ingat sa mga dating app para huwag mabiktima ng mga scammer online.

Babala ito ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa lumolobo umanong biktima ng scam gamit ang mga dating app.

“There’s significant increase of complainants being victimized through dating apps, thus we issue the warning,” ayon kay NBI head agent Jerome Bomediano sa panayam ng Politiko (politics.com.ph).

Sabi ni Bomediano, iisa lang ang karaniwang modus ng mga scammer kung saan ay kanila munang kinakaibigan ang target.

Dumami umano ang mga reklamo hinggil sa mga scam na ito ngayong may pandemya sa COVID-19 kung saan marami sa mga biktima ay nakatutok sa social media para malibang.

“Walang pinipili na age or gender `yong scammers, once they get your confidence, they pretend to send you expensive items and send a video showing what we’re supposedly sent through a legitimate courier. The scammer will then ask the victims to send money coz the shipment was impounded because for some unforeseen fees,” paliwanag ni Bomediano.

Karamihan aniya sa mga biktima ay mapera na siyang target ng mga scammer at ilan sa mga ito ang natangayan ng milyong halaga. Subalit minsan aniya ay nananahimik na lamang ang mga biktima dahil sa kahihiyan.

“Several victims lost millions to the scammers, but the victims sometimes kept the incident to themselves, due to shame,” ayon kay Bomediano.

Kadalasan umano na mga foreigner ang sangkot sa scam.