WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Arnel kanselado ang raket ng 2021

NI: ARCHIE LIAO

Kung ang local singers at performers natin ay sobrang apektado ng pandemya, gayundin ang internationally acclaimed lead singer ng Journey na si Arnel Pineda.

Katunayan, for several months, halos wala siyang kinikita.

Nawala kasi ang sandamukal na raket niya dahil sa paglaganap ng COVID-19 pandemic.

“Almost zero ang ano ko… I think, I’m, like, 95% affected,” pahayag niya.

Hirit pa niya, na-cancel lahat ng kanyang shows at concerts abroad dahil sa mahigpit na pagbabawal sa anumang klase ng mass gathering.

Maging daw iyong na-book na shows niya sa States until 2021 ay nakansela na rin.

Baka mag-resume kami ng tour mga early 2022 pa. Iyong impact sa akin, talagang malaki. Paano pa iyong mga low-income na kapwa natin musikero, mga singer na nandito sa Pilipinas?

“Ganoon na nga kaliit, tapos, nawala pa. Mas matindi sa kanila.”

Hopefully, ipinagdadasal niya na makabawi ang local at global entertainment industry next year.

For the meantime, dahil gusto niyang magpasaya kaya ini-remaster niya ang kanyang musical composition na ikinompose niya noong 2014 in time for Christmas.