WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Parks, Wright asam 1st finals

Semis Games 5 ngayon (AUF gym)
3:45 pm – TNT vs. Phoenix (series tied 2-2)
6:30 pm – Ginebra vs. Meralco (series tied 2-2)

Smart Clark Giga City – Epektib ang ginawang balasa ni coach Bong Ravena sa starting lineup ng TNT, nagresulta sa sa 102-101 panalo laban sa Phoenix Super LPG Miyerkoles ng gabi sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles City.

Higit sa lahat, nakapuwersa ng rubber match ang Tropang Giga sa Game 5 mamaya taya ang isang slot sa Philippine Cup Finals sa Pampanga bubble.

Ginawang starter ni Ravena si veteran guard Jayson Castro at umiskor ng 21. May 18 si RR Pogoy at 14 pa kay Simon Enciso sa wire-to-wire win, tampok ang 17-point third quarter lead.

“Our main goal was simply to win the game, make the series even so we had to come out with our strongest starter na si Jayson,” paliwanag ni Ravena.

Nakita kay Ray-Ray Parks ang matinding determinasyon ng Tropa na hatakin sa win-or-go-home ang best-of-five sa pinasabog na 36 points, 17 sa fourth quarter at huli ang dalawang free throws para umagwat 100-95.

“Hopefully, we could continue with it in Game 5 on Friday,” dagdag ni Ravena.

Nilista ni Wright ang 18 sa kanyang team-high 34 points sa third nang dumikit ang Fuel Masters 69-68 matapos isara ang stanza sa 11-0 run. (Vladi Eduarte)