WebClick Tracer

NEWS

Dating PDEA chief bilib sa war on drugs ni Duterte

Malaki ang paniniwala ni dating Philippine Drug Enforcement Agency Chief Dionisio Santiago, na tagumpay ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte, at epektibo ito para mabawasan ang droga sa bansa.

Gayunman, sabi ni Santiago sa Kumustahan at Kwentuhan ni Jon Ibanez sa Politiko Live, hindi naman maaaring biglaang malilinis nang ganoon ang Pilipinas sa droga, na dekada na ang binilang. Aniya, “Negosyo kasiiyan, Jon. Hndi titigil iyan no matter how effective the campaign is. Parang tubig iyan hahanap at hahanap ng butas.”

Ayon kay Santiago, naiintindihan niya kung bakit hindi matupad ng pangulo ang pangakong 3 hanggang 6 na buwan na tatapusin ang droga sa bansa dahil napakalaking sindikato ito na maraming galamay na kumikilos.

Dagdag pa niya, sa panahon ngayon kung saan marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, ang iba ay kapit sa patalim na nagbebenta ng droga. (Kiko Cueto)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID