WebClick Tracer

NEWS

Duterte wapakels sa ICC

Hindi natinag ang Malacañang sa ulat na posibleng maglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte bago magtapos ang taon, kaugnay sa war on drugs nito na nagresulta umano sa pagkamatay ng marami na sangkot sa iligal na droga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nangangarap lamang ang mga atat makasuhan ang pangulo dahil mayroon aniyang desisyon ang ICC na hindi sasayangin ang panahon sa isang kaso na hindi makikipagtulungan ang inaakusahan.

“Gawin nila ang gusto nilang gawin. Sinabi na natin hindi natin kinikilala ang hurisdiksiyon ng ICC,” ani Roque.

Kinontra nito ang naging pahayag ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na mayroon umanong batayan na nakagawa ng crime against humanity ang Duterte administration dahil sa war on drugs. (Aileen Taliping)

Samantala, maging ilang senador ay hindi kumbinsido sa ulat ng ICC.

“In the realm of possibilities to prosecute the President for crimes against humanity, the statement of Prosecutor Bensouda may only be good as a press release and nothing more, at least at this point in time,” reaksiyon ni Senador Panfilo Lacson. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID