Sikat ang Boracay bilang isang tourist spot dahil sa puting buhangin at napakalinis na tubig sa isla. Pinoy man o foreigner, puntahan ang beach na ito para sa mga nagbabakasyon. Simula nang pumutok ang COVID-19 pandemic, nagsara ang destinasyon para pangalagaan ang kalusugan ng mga residente.
Nitong Oktubre, binuksan muli ng gobyerno ang Boracay para sa mga turista. Maaari na uling bisitahin ang popular na beach. Para sa mga gustong magbakasyon, may ilang palatuntunan ang IATF para maiwasan ang lalong pag-kalat ng kaso ng COVID-19. Para na rin ito mapangalagaan ang kalusugan ng mga turista at residente.
1. Mga residente ng General Community Quarantine (GCQ) o Modified General Community Quarantine (MGCQ) areas lang ang puwedeng bumisita sa Boracay. Kung ikaw ay residente ng lugar na nasa ilalim ng ECQ o MECQ, mas mainam na mag- reschedule na lang ng bakasyon.
2. Umiiral ang Test-Before-Travel requirement sa lugar. Kinakailangang kumuha ng Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test sa loob ng 72 oras bago lumipad papunta sa Boracay. Siguraduhing kukuha lamang ng test sa mga testing center na aprubado ng DOH.
3. Kailangang mag-submit ng health declaration card. Pumunta laman sa www.aklan.gov.ph. Mapapadali nito ang pagmomonitor at pagku-contact tracing sa mga turista.
4. Mag-book ng tirahan o kwarto bago lumipad. Inanunsyo ng Mayor ng Aklan na kailangang makapag-book ang mga turista ng kwarto o lodging bago makarating sa Boracay. Requirement din ang pag-re-register ng detalye ng accomodations sa mobile app ng Aklan. Maaaring makita ang listahan ng mga accredited na hotel at lodging dito.
May halos 400 establismyento na ang nabigyan ng Certificate to Operate from the Department of Tourism, Kasama na rito ang 80 resort, 25 hotel at 292 Mabuhay accommodations. Dahil sa karagdagang gastos sa PCR testing, binabaan na rin ng karamihan ang kanilang rates. Wala na ring restriksyon sa edad ang Boracay. Puwedeng-puwedeng sumama ang buong pamilya, mula kay bunso hanggang kay lola.Siguraduhin laman na walang buntis o may co- morbidity na kasama. Para sa mga nagpa-planong magbakasyon sa isla, siguraduhing preparado ang lahat ng requirements para maiwasan ang perwisyo. Para sa karagdagang impormasyon, i-download ang Travel Philippines app sa philippines.travel.