WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Killer cop sa Tarlac buang – Duterte

Sobrang galit at napamura umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang pagpatay ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Sa isang text message ni Senador Bong Go sa mga mamamahayag sa Malacañang, tiniyak umano ng Pangulo na mananagot sa batas ang killer cop.

“Opo galit na galit. Sabi ng Pangulo mananagot talaga `yang buang na tawhana,” sabi ni Go.

Marami palang kaso

Samantala, inihayag ni Philippine National Police (PNP) Diretor General Debold Sinas na sangkot umano sa iba’t ibang kaso si Nuezca.

Sa press briefing sa Camp Crame nitong Lunes, sinabi ni Sinas na mayroong limang kasong kinaharap si Nuezca subalit apat dito ay na-dismiss na ng korte habang ang isang kaso pa ang napatunayang nagkasala ito at pinatawan ng 31 araw na suspension.

Kabilang sa mga nasabing kaso ay ang dalawang grave misconduct na may kinalaman sa homicide noong Mayo 2019 at Disyembre 2019 na parehong binasura dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Sinabi ni Sinas na nagkaroon din si Nuezca ng `non appearance in duty’ noong 2016 na nabasura, less grave misconduct noong 2013 na saradong kaso na rin at less grave misconduct pa noong 2014 na humantong sa 30 araw na suspensyon.(Aileen Taliping/Edwin Balasa)