WebClick Tracer

METRO

Huling lamay ng mag-ina sa Tarlac, dinagsa

Dinagsa ng mga nakiramay ang huling lamay ng mag-inang sina Sonia at Frank Anthony na pinagbabaril ng pulis na si Staff Sgt. Jonel Nuezca noong Disyembre 20 sa Barangay Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac.

Ilan sa mga ito ay nag-alay pa ng dasal. Ang mag-ina ay nakatakdang ihatid ngayon, Dis. 27 ng alas-9 ng umaga sa Garden of Angels Memorial Park.

Nakadetine naman sa Paniqui Police Station at nahaharap sa 2-count ng murder si Nuezca.

Umaasa ang pamilya na makakamit agad nila ang hustisya, kung saan na-video-han pa ang brutal na pagpaslang sa mag-ina.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID