Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2020+1 PH Olympic Team sa Tokyo pinakamalakas

0 267

Pababa na ang kurtina ng 32nd Summer Olympic Games 2020+1 sa Olympic Stadium sa Tokyo, Japan sa darating na Lingo, Agosto 8 makaraang magbukas noong Biyernes, Hulyo 23.

Maitatala rito ang pinamataas na tinapos ng isang Team Pilipinas o Philippine Olympic Team sa may 97 taong kasaysayan na paglahok ng mga Pinoy sa quadrennial sports festival, sapul noong 1924 Paris Games.

Tatakluban ng 2020+1 PH contingent ang dating best finish ng bansa sa nasungkit na tatlong bronze medal sa 1932 Los Angeles Games nina high jumper Simeon Toribio (athletics), bantamweight Jose Villanueva (boxing) at swimmer Teofilo Yldefonso (200-meter breaststroke).

Patungo sa laban ngayong Huwebes nina middleweight Eumir Felix Marcial at flyweight Carlo Paalam (boxing), assured na sila ng bronze medal, nag-silver pa ang teammate nilang si Nesthy Petecio at gold sa weightlifting si Hidilyn Diaz.

May pag-asa pa rin tayo sa women’s golf, kina Banca Isabel Pagdanganan at Yuka Saso.

Kaya saludo ang sambayanan sa inyo mga atleta, coach at mga opisyal natin sa sports para maabot ang tagumpay na ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.