Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2021 budget kasado na para sa pangangailangan ng taumbayan

0 88

Inaasahang pipirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national budget para sa susunod na taon.

Ayon kay House Appropriations Chairman at Eric Yap, ng ACT-CIS, ang P4.5 trillion national budget ay nakapaloob sa Government Appropriation Act (GAA) of 2021.

“Sa naturang budget, handa ang pamahalaan na tugunan ang mga pangangailangan ng sambayanan sa susunod na taon lalo na yung sa pagbili ng bakuna,” ayon kay Cong. Yap.

Aniya, “P72.5 billion ang inilaan namin ng Senado para sa Covid vaccine program next year.”

Ang education sector tulad ng DepEd, CHEd, TESDA, at SUC, ang nakakuha ng pinakamalaking pondo na umabot sa P738 billion, dagdag pa ni Yap.

Ipinagmalaki rin ng mambabatas na dumaan sa masusing pagbusisi ang 2021 national budget.

Leave A Reply

Your email address will not be published.