Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2021 budget mapipirmahan na

0 99

Umaasa si Senador Bong Go na bago matapos ang taon ay matitintahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2021 budget.

“Nagpulong na kami at hopefully matatapos na po ito by Monday, Dec. 7 or hopefully Dec. 9 ay ma-ratify na ito ng both houses. Inaasahan natin na mapipirmahan po ito ng Pangulo by Dec. 21 or Dec. 28 o bago matapos ang taon,” saad ng senador sa Laging Handa public briefing.

Binangggit din ng senador na pasado na sa Lower House at nasa Senado na ang Department of Disaster Resilience na inaasahan nitong mabilisan ang magiging aksyon bago pa man manalasa ang bagyo o anumang sakuna.

“Pinag-aaralan na po ito and I’m not losing hope po.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.