Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2021 French Open: Alexandra, Oksana kampeon sa doubles

0 63

NAGREYNA sina Alexandra Eala at Oksana Selekhmeteva sa 2021 Roland Garros French Open Girls Doubles sa Paris, France.

Tinalo ng top-seeded tandem sina Amarissa Kiara Toth and Maria Bondarenko, 6-0, 7-5, sa final round ng nasabing palaro nitong Sabado ng gabi (Manila time).

Unang set pa lang ay nagpakita na ng tikas sina Eala at Selekhmeteva matapos walisin sa 6-0 ang labanan.

Pagsapit naman ng ikalawang set ay nahirapan ang Pinay at Russain pair nang makalamang ang kalaban sa 4-2.

Hindi naman binigo nina 16-anyos Eala at 18-taong gulang na si Selekhmeteva ang kanilang mga fan nang habulin nila ang kalamangan at tuluyang tapusin ang laro.

Ang nakuhang panalo ni Alex ang nagsisilbing ikalawang grandslam title niya gayundin sa kanyang pakner na si Oksana.

Matatandaang unang kumubra ng grandslam title si Eala noong 2020 Australian Open girls doubles habang si Selekhmeteva naman ay noong 2019 US Open. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.