Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2021 national budget pirma na lang ni Duterte kulang

0 276

Kailangan na lang ng pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maipasa ang panukalang P4.5 trilyong budget para sa 2021 na inaasahang makatutulong sa pagtugon sa pandemya at pagbangon ng bansa.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, nakatuon ang bicameral conference committee sa pagtugon sa pandemya at kalamidad matapos ang magkakasunod na bagyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa datos na ibinigay ng tanggapan ni Angara, pinakamalaking natanggap na pondo ang sektor ng edukasyon na may P708.181 bilyon na sinundan ng Department of Public Works and Highways at Department of Health.

Mahigit P73 bilyon ang inilaang alokasyon sa pagbili ng COVID-19 vaccine habang P23 bilyon naman ang inilagay para rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng bagyong ‘Rolly’ at ‘Ulysses’.

Nauna rito ay ibinasura ni Senador Panfilo Lacson ang bicameral conference report ng 2021 national budget. Kinuwestiyon ng senador ang dagdag pondo ng DPWH at ang pagbawas naman sa National Broadband Program. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.