WebClick Tracer

OPINION

Huwag padala sa emosyon

Mahirap bang gawin yung kasabihan na “think before you click?”

Depende sa sitwasyon? Madaling sabihin dahil hindi tayo ang apektado?

Yun na nga eh, sila ang nasa sitwasyon, sila ang apektado kaya sila ang dapat mag-isip na mabuti kung tama ba ang ipo-post sa social media?

Katulad ito ng kaso ni Patricia Anne Espulgar na walang pakundangang siniraan ng walang basehan ang malinis na pangalan ng The Lord’s Grace Medical & Industrial Clinic (TLGMIC) na isang respetado at DOH-accredited na Covid-19 testing center.

Malisyoso kasing inakusahan nitong si Espulgar ang TLGMIC at Pasay City General Hospital (PCGH) ng pagsasabuwatan sa pagpapalabas ng peke at hindi mapagkakatiwalaang resulta ng Covid-19 test para makakuha lang daw ng pondo sa gobyerno.

Sa kanyang post noong Disyembre 22, sinabi nitong “They’re making patients positive DAW for them to get funds sa government. (Funds for your quarantine facility, food, meds, etc.) then they’ll double the funds para makapag CORRUPT.”
Tsk, masyadong nagpadala sa emosyon itong si Espulgar. Hindi muna nag-isip.

Patunay rin ito na wala siyang tiwala sa kapwa at kahit sa mga tanggapan na tumutulong para masugpo ang paglaganap ng killer virus.

Bago pala ito ay nagpakuha raw ng specimen sa labas ng TLGMIC si Espulgar bandang alas 11:30 ng umaga noong December 16 at ipinadala sa TLGMIC ng alas 6:50 ng gabi kinabukasan na agad din namang sinuri ng TLGMIC.

Nagalit si Espulgar nang mag-positibo siya sa swab test at inakusahan agad ang TLGMIC na namemeke raw ng resulta.

Sa liham ni Mark Angel D. Magracia, RMT, MLS(ASCPi) kay Dr. Marilou B. Lupisan-Ocampo, head ng PCGH, sinabi nitong sa labas kinuha ang specimen at posibleng kontaminado na ito bago pa dalhin sa kanilang laboratoryo.

Nang muling suriin mismo sa TLGMIC si Espulgar, nag-negatibo na ito sa virus.

Pero sa halip na magpasalamat at tumanaw ng utang na loob ay pinaghinalaan pa ni Espulgar ng masama ang klinika at PCGH.

Maliwanag na walang basehan at malisyoso ng bintang ni Espulgar kaya dapat lang na mag public apology sa nilikha nitong kontrobersiya.

Malinaw din na ignorante siya sa tama at istriktong proseso kung paano ginagawa ang Covid-19 test.

Inalam ba niya na pinakamodernong kagamitan ang ginagamit ng TLGMIC para sa Covid-19 test na aprubado ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at DOH?

“We are standing firm that the results we are releasing are correct and accurate. For TLGMIC, a positive swab test result is always a positive, and a negative swab test result is always a negative,” sabi ng TLGMIC.

Huwag tayong padalus-dalos dahil nakakagawa tayo ng bagay-bagay ng walang sapat na basehan at nakakapagdulot ng kalituhan sa taumbayan ngayong panahon ng pandemya.

Isip isip muna..hindi yung nahipan ka lang ng hangin, post ka agad sa social media.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on