WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

LPA naispatan sa Samar

Isang low pressure area (LPA) ang namataan sa silangan ng Samar.

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa mga residente ng Eastern Visayas at Caraga tungkol sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan dahil sa LPA at mga ulap na nakapalibot dito.

Ayon sa Pagasa, natagpuan ang LPA sa may 165 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Pinayuhan ang mga nasa silangang bahagi ng bansa kabilang ang Bicol, Eastern Visayas at Caraga at ilang bahagi ng Southern Luzon at Central Visayas na mag-ingat dahil sa mga pagbaha sa mabababang lugar mula Sabado hanggang Linggo pati na rin ang pagguho ng lupa sa mga malapit sa mga dalisdis ng bundok.

Makakaranas pa rin ang malaking bahagi ng Luzon ng mga epekto ng northeast monsoon o amihan na magdudulot ng mas malamig na panahon at paminsan-minsang mahinang pag-ulan sa Hilagang Luzon at Cagayan Valley.

Samantala, 2 na ang naitalang patay kasunod na rin ng malakas na ulan at hangin sa Bikol bunsod ng tinatawag na tail-end of a frontal system.

Nabatid na sa ngayon ay kinukumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang nasabing report. (IS/Kiko Cueto)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on