WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Ho throwback sa Koreano

Isang throwback interview ang ibinahagi ni former Philippine SuperLiga (PSL) star Gretchen Ho kasama ang sikat na Korean actor na si Nam Joo Hyuk.

Sa Twitter Martes, nagbalik tanaw ang dating Petron Blaze Spikers middle hitter na nakibahagi sa 67th NBA All-Star Weekend 2018 sa Los Angeles, California kung saan nito nakatagpo niya ang Koreano.

Nang usisain ng 30-anyos, 5-6 ang taas, tubong Maynila na dalaga si Hyuk sa kahalintulad ng kanyang laro, tumugon ang ‘Weightlifting Fairy Kim Book Joo’ leading man, na LeBron James.

Iniwang mensahe ng Korean sa kanyang Pinoy fans :”Thanks for all the love and support. I’m going to try harder and meet you with new and better shows with better synergy and hopt to see you guys soon,” aniya sa kanyang wika. “Mahal ko kayo, Pilipinas.” (Janiel Abby Toralba)