WebClick Tracer

SPORTS

Manuel upo o abang sa ‘UFA’

Nakikipagmatigasan sa isa’t si Victorino ‘Vic Manuel at ang Alaska Milk kaya wala pa ring nangyayari sa negosasyon sa contract extension ng top Aces player patungo sa opening 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa April 9.

Kinukunsidera na ng 33-year-old, 6-foot-4 forward na nasa pangangalaga ni veteran players agent Danny Espiritu, na mag-sit out na lang muna o antayin ang implementasyon sa taong ito ng ‘tunay’ unrestricted free agent.

Walang team na kumakagat sa hiling ng incoming nine-year pro veteran na i-trade siya dahil sa mabigat din ang hinihirit ng Uytengsu franchise, isa na rito ang NLEX na gustong makuha ng gatas ay si Kiefer Isaac Ravena. (Lito Oredo)

TELETABLOID