WebClick Tracer

SPORTS

Politiko kampi kay Mitchell

Isang resolution ang inihain ni Utah Republican State Rep. Kera Birkeland para kilalanin ang kapuri-puring aniyang serbisyo ni Donovan Mitchell sa Utah Jazz at gawin ng ‘Spida’ ang pangalan ng estado.

Pagdedepensa ito ng mambabatas kay Mitchell sa mga patutsada ni NBA legend Shaquille O’Neal sa programang TNT Inside the NBA.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ihayag ni TNT analyst O’Neal sa national TV na mahusay nga si Mitchell pero kulang pa ang angas para makapag-level up.

Giniit din ng lawmaker ang mahinang free throw ni O’Neal sa kanyang panahon at ang pagkalugi ng movie nitong ‘Kazaam’ noong 1996. (Janiel Abby Toralba)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on