WebClick Tracer

OPINION

Sakit sa ulo ang Sauyo

Kahit na free-for-all pa rin hanggang sa kasalukuyan, hindi ganap na masaya ang mga taga-Quezon City na gumagamit ng Stage 3 Skyway (Buendia-Balintawak) upang makaiwas sa mala-pagong na daloy ng mga sasakyan sa ibaba.

Ang aking tinutukoy ay ang mga nagmumula ng Buendia na nagmamadalingmakarating ng alinmang bahagi ng Quezon City lalo pa’t ang tanging gumaganang off-ramp ng north bound ay ang Quezon Avenue pa lamang.

Kaya ang siste, ang ibang mga patungo ng Fairview at Novaliches ay tumutuloy sa dulo (Balintawak NLEX station), magbabayad ng minimum entry toll at lalabas sa NLEX Mindanao exit.

Ayos sana ang sistemang ito dahil nalalagpasan ng mga nagmamadali ang mahabang pila palabas ng Quezon Avenue off-ramp at hindi na rin nila daranasin ang napakabagal na daloy ngmga sasakyan na tila permanente na sa kahabaan ng naturang lansangan hanggang sa QMC at Commonwealth Avenue tuwing rush hour.

Ang problema ay tila napapabayaan o hindi nababantayan ng mga awtoridad ang u-turn slot patungo ng Sauyo Road sa Mindanao Avenue kaya sobrang nababalagoong ang mga lumalabas ng NLEX via Mindanao Avenue exit.

Sa maniwala kayo at sa hindi, nang minsang dumaan ako diyan sa paghahangad na maiwasan ang trapik sa Quezon Avenue ay inabot ako ng dalawang oras bago makalagpas ng Sauyo U-turn slot mula lamang sa tapat ng tollgate ng NLEX Mindanao Avenue.

Sayang na sayang ang nakaltas sa RFID ko at higit sa lahat ay ang abalang inabot na kung nagtiis na lang sana ako sa Quezon Avenue ay hindi na ako nagastusan at maaga akong nakapagpahinga sa bahay habang nanonood ng mga paborito kong channel sa Youtube.

Ang pangunahing dahilan ng pagkabuhol-buhol ng trapik sa Sauyo U-turn slot na aking naobserbahan ay ang pagiging buwaya ng mga lumalaki na pati ang pinaka-outerlane sa kanan na dapat sana ay magamit ng mga papadiretso ng Mindanao Avenue ay kinakain na nila, kaya resulta, standstill na mga sasakyan mula sa NLEX.

Nang mapadaaan ako ay natiyempong umaambon kaya nagkawalaan sa puwesto ang mga nakatalagang traffic enforcer mula sa LGU ng Quezon City na nagresulta para lalong buwayahin ng mga pa-u-turn ang lane na nakalaan para sa mga didiretsto ng Mindanao Avenue.

Bakit ba kasi ayaw nilang buksan ang intersection ng Quirino Avenue at Mindanao Avenue upang dumiretso na lamang ang mga galing ng Sangandaan papuntang Novaliches at pabalik?

Isa sa mga dahilan ng pagkakawindang ng Sauyo U-turn slot ay ang mga PUVs na kumakanan mula sa bahagi ng Quirino-Baesa patungo ng Talipapa Novaliches dahil sila ang mga gumigitgit sa mga patungo ng kahabaan ng Mindanao Avenue mula sa NLEX.

Pinakamagandang gawin ng pamunuan ng NLEX dito ay ang makipag-usap sa LGU ng Quezon City dahil kung hindi ito mangyayari, lalong mababalagoong ang mga motorista matapos na umarangkada na ang malawakang pagbabakuna laban sa COVID-19.
Ayos ba?

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID