WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

P12M Mega lotto nadale ng taga-Negros

Nadale ng taga-Bacong, Negros Oriental ang Mega lotto 6/45 na may jackpot prize na P12,365,695.20 na binola Biyernes ng gabi.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Gaming Sector, natumbok ng masuwerteng mananaya ang winning combination na 18-19-04-13-29-06 na nakabili ng lotto ticket sa isang outlet sa Bacong, Negros Oriental.

May 52 katao ang nanalo ng P32,000.00, nasa 1,745 ang nanalo ng P1,000 at 24,194 ang nanalo ng P30 o balik taya.

Samantala, wala pa ring nananalo sa Ultra Lotto 6/58 na may winning combination na 26-01-44-40-03-36 at jackpot na P223,394,183.20 habang may 10 katao na nakadale ng P120,000.00. (Vick Aquino)