WebClick Tracer

METRO

Bangkay sa drum, aktibistang magsasaka

Isang aktibistang taga-Bulacan ang bangkay na lalaking natagpuang nakasilid sa plastic drum na itinapon sa creek sa Mabitac, Laguna noong Huwebes.

Ayon sa Mabitac police, positibong kinilala ng kanyang pamilya na naggaling pa sa Norzagaray, Bulacan ang biktima na si Romeo “Rommy” Loyola Torres, na kasapi ng lokal na farmers group na Samahang Magsasaka sa San Mateo (Sama-Sama).

Noong Huwebes ng umaga ay nadiskubre ang bangkay na isinilid sa drum at saka itinapon sa creek sakop ng isang farm sa may Manila East road sakop ng Barangay San Miguel sa Mabitac.

Ginapos ng t-shirt ang kamay ng biktima at may mga tama ng bala sa bibig, dibdib at likod.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa naturang usapin sa lupa ang brutal na pagpatay sa biktima. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID