WebClick Tracer

METRO

Nuezca susuka ng P70M sa niratrat na mag-ina

Aabutin ng mahigit sa P70 milyon ang danyos na posibleng bayaran ni dating Police Staff Sgt. Jonel Nuezca sa pagpatay nito sa mag-inang Sonia at Florentino Gregorio sa Paniqui, Tralac nitong Disyembre, ayon sa abogado ng pamilya ng mga nasawi.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng kaso ng double murder case laban kay Nuezca sa Panaiqui Regional Trial Court (RTC) nitong Huwebes Pebrero 4, hindi pa rin nakasipot si Nuezca na nasa 21 araw na quarantine sa ilalim ng patakaran ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Naipresinta na rin ng prosekusyon bilang testigo ang asawa ni Sonia na ama ni Florentino sa pagpapatuloy ng pagdinig ng kaso.

Ayon naman kay Atty. Freddie Villamor, abogado ng pamilya Gregorio, aabot umano sa P70 milyon ang babayarang danyos perwisyo ni Nuezca sa pamilya ng pinatay na mag-ina.

Ayon kay Villamor, humihingi siya ng tig-P10 milyon kada isa sa napatay na mag-ina at karagdagang P50 milyon naman para sa exemplary damages para huwag ng tularan ng iba ang ginawa ng akusado.

“Bukod pa po doon, ko-kompyutin pa ng court ‘yon, iyong compensatory damages, at under the law, entitled po siya sa tinatawag na civil indemnity na for every deceased or every victim, may 75,000,”

“Kaya more than P70 million po ang total damages na hinihingi ng private complainant,” ayon kay Atty. Villamor at sinabing depende pa rin ito kung mapagbibigyan ng korte.

Bukod pa ito sa hatol kung ilang taon ang gugugulin ni Nuezca sa kulungan.

Maaalalang Disyembre 20, 2020 nang patayin ni Nuezca ang kapitbahay na mag-ina sa Panaiqui, Tarlac kung saan nag-viral sa social media ang aktuwal na video ng krimen matapos ang pagtatalo. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID