WebClick Tracer

SPORTS

Williamson, Pelicans sinorpresa ang Jazz

Walong tao lang ang isinagupa ng Pelicans, pero sapat ang puwersa nina Zion Williamson, Brandon Ingram at Lonzo Ball para hiyain ang league-leading Utah Jazz 129-124 sa 75th NBA regular season game Lunes ng gabi sa Smoothie King Center sa New Orleans.

Nagsumite si Williamson ng 26 points, 10 rebounds at 5 assists, may 26 din si Ingram at 23 markers, 7 boards at 8 dimes kay Ball upang iputong sa kanilang team ang 15-19 win-loss slate.

Mainam ding naka-17 points si JJ Redick tampok ang dalawang nakumpletong four-point play para sa New Orleans.

Nagliyab sa labas ng arc si Bojan Bogdanovic na naka-pitong 3s tungo sa game-high 31 points sa Jazz, natikman ang pangalawang talo sa tatlong laro pero lider pa rin sa liga sa 27-8.

Umayuda ng 22 points, 9 rebounds at 5 blocks si Rudy Gobert, may 21 markers at 8 assists si Donovan Mitchell at 20 points din kay Fil-Am Jordan Clarkson. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on