WebClick Tracer

SPORTS

Jordan, Jazz tiniris Celtics

Dumayo ng TD Garden sa Boston ang Utah para magpaulan ng tres.

Pasok ang 19 sa 43 bitaw sa labas ng arc, kinubabawan ng NBA-leading Jazz ang Celtics 117-109 sa 75th NBA regular season game Martes ng gabi.

Nilista ni Donovan Mitchell ang 8 sa kanyang 21 points sa fourth quarter para pangunahan ang Jazz. May 17 points pa si Mike conley at tumapos ng 16 points, 12 rebounds si Rudy Gobert.

Apat lang ang reserves ng Jazz, pero nakapag-deliver ng 45 points sa pangunguna ng 20 ni super-sub Jordan Clarkson.

Nakabawi ang Utah (29-10) mula sa pagkasilat sa Golden State noong Linggo at tinulak ang Boston sa 20-19 slate.

Umabante ng hanggang 11 sa first half ang Boston pero naubusan sa dulo.

Kinapos ang 29 points ni Jayson Tatum at 28 ni Jaylen Brown sa Celtics. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on