WebClick Tracer

SPORTS

Donovan nagliyab kontra Toronto

Namiyesta sa free throw line ang Utah para ipreserba ang 115-112 panalo kontra makulit na Toronto Biyernes ng gabi sa Tampa, Florida.

Bumiyahe sa stripe nang 41 beses ang Jazz, 35 ang ipinasok. Sa kabila ay 11 of 14 lang ang Raptors.

Nilista ni Donovan Mitchell ang walo sa kanyang 31 points sa final 1 ½ minute mula 4 of 5 charity shooting.

“It’s not so much getting there, it’s finding ways to get there,” ani Mitchell, isa lang sa 16 na tira ang isinablay.

Off the bench ay nag-ambag si Joe Ingles ng 19 points para sa Utah, may tig-15 points sina Mike Conley at Rudy Gobert na humablot pa ng 16 rebounds. Umayuda ng 11 points si reserve Jordan Clarkson.

Nagbaon ng 3 sina Ingles at Clarkson, sinundan ng nakumpletong and-1 play ni Gobert at umagwat ang Utah 94-84.

Umikot sa rim bago lumabas ang 3-pointer ni Pascal Siakams a buzzer.

Tumapos si Siakam ng 27 points at 9 assists, may 17 at 9 si Fred VanVleet at 14 at 8 si Kyle Lowry sa Heat. (VE)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on