WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Vice minura nina Liz, Ronnie

Nakatanggap ng sari-saring reaksiyon si Vice Ganda mula sa mga artistang nabiktima niya ng kanyang prank call tulad nina Karla Estrada, Joshua Garcia, Ronnie Alonte at Liz Uy.

Sa part 2 ng ‘Choppy Choppihan Prank Call’ vlog ni Vice Ganda sa YouTube ay tinawagan niya ang mga nasabing celebrities at binulol-bulol niya ang kanyang mga salita to the point na hindi maintindihan pretending na choppy ang signal.

Sa video, kunwari ay may ikinukwento si Vice pero dahil nga sinasadya niyang i-garble ang mga salita niya, walang maintindihan ang mga kausap niya.

Ganda type sungalngalin ni Karla

First victim niya si Karla at may tsinitsika siya tungkol sa ‘Magandang Buhay’ pero hindi nga siya maintindihan ng kausap niya kaya panay ang paulit sa kanya ng nanay ni Daniel Padilla.

Bandang huli ay nakahalata si Karla kaya sabi niya, “ginagago mo ko. Susuntukin kita pag nakita kita. Pag nakita kita, susungalngalin kita.”

Siyempre sa huli ay sinabi niyang prank lang ‘yun kaya tawa nang tawa si Karla.

Ganu’n din ang ginawa niya kay Ronnie Alonte at kunwa’y may tsika siya sa mga kapwa Hashtags na sina Paulo Angeles at Zeus Collins. Hindi rin niya maintindihan si Vice at siyempre, bandang huli ay nahalata rin niya.

“Hayup ka,” sey ni Ronnie kay Vice na tila nag-dirty finger pa.

Next ay si Liz na medyo naalarma pa noong una dahil ang kuwento niya ay tungkol sa kanyang anak. Humanap pa siya ng magandang signal para maintindihan si Vice.

Pero nabuwist din siya bandang huli at sinabihan si Vice ng “letse ka, sinasadya mo.”

Last victim ay si Joshua na nahulaan agad na nagba-vlog si Vice Ganda. At ang galing ng aktor dahil nahalata niya agad na sinasadya ng kausap niya ang pagbubulul-bululan.

Tawa nang tawa si Joshua at sey niya, “para sa vlog mo yan. Bulul-bululan.”
In fairness, hit ang nasabing vlog dahil wala pang isang araw ay nasa mahigit 800,000 ang views nito.