WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Female personality napagod na palabigasan ng bagets

Napakaraming kuwento tungkol sa pakikipagrelasyon ng isang kilalang female personality. Grabe kasi siyang magmahal, lahat-lahat ay ibinibigay niya sa lalaki, sukdang kalakalin niya ang sarili niyang katawan.

Paglalarawan sa kanya ng isang source, “Grabe ang babaeng ‘yun! Daig pa niya ang bakla kung magmahal!”

Ilang beses nang nakipagrelasyon ang female personality sa mga lalaking halos tatay o lolo na lang niya dahil sa matinding pangangailangan. Tinitiis niya ‘yun dahil may matindi ring dahilan.

Kuwento ng aming source, “Tine-take niya ang makipagrelasyon sa parang lolo na lang niya, kasi nga, e, may boyfriend naman siyang bagets na kailangan niyang sustentuhan!

“Ganu’n ang drama. May karelasyon siyang matanda, pero meron ding bagets. So, ang nagegetlak niyang datung sa matanda, gibsung niya naman sa karelasyon niyang bagets,” unang kuwento ng aming impormante.

Hanggang sa dumating ang puntong napagod na siya sa ganu’ng ikot ng buhay niya, ang sarili niya naman ang inintindi ng female personality, pero mautak pa rin siya.

Patuloy ng aming source, “Nakipagrelasyon naman siya sa mga richie-richie, ‘yung madatung talaga! Pero wala na siyang binibigyan, ang sarili niya naman ang binusog niya sa mga kapritso niya!

“May nakarelasyon siyang sikat na male personality na sumusuka ang bulsa sa dami ng kadatungan. Pamilyado na ang guy, pero pakialam ba naman ng girl, e, sanay naman siya sa ganu’ng kalakaran!

“Panalung-panalo ang episode na ‘yun ng buhay niya, ang laki-laki ng nakukuha niyang datung sa lalaki, pati nga ang ipinatayo niyang bahay, e, sa male personality nanggaling ang ipinangpagawa niya!

“’Yung isa namang nakarelasyon niya, e, napaikot din niya ang ulo! Marami siyang hinihinging pampuhunan kuno sa business niya, pero palagi lang namang nalulugi!

“At ngayon, madatung na naman ang karelasyon niya, ginawa niya ang lahat-lahat para mabingwit ang guy na ‘yun! Wala siyang pakialam kung meron man siyang nasaktan, kapag nakakita siya ng mina ng ginto, hukay lang siya nang hukay!

“Ang galing-galing talaga ng babaeng ‘yun! Walang makakakabog sa galing niya pagdating sa datung!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

Sylvia ‘di bumitaw na sintu-sinto

Si Barang ang inaabangan namin sa seryeng Huwag Kang Mangamba. Magaling si Barang, para siyang echo, kung ano ang sinasabi ng mga tao sa kanyang paligid ay inuulit-ulit niya.

Ang papel ni Barang ay ginagampanan ni Sylvia Sanchez. Sa pagbubukas ng kurtina ng istorya ay ipinakilala siyang parang sintu-sinto na palaging may niyayakap na manyika.

Maiisip mo agad bilang manonood, siguro’y nawalan ng anak si Barang, kaya ganu’n na lang ang pagmamahal niya sa manyikang hindi nahihiwalay sa kanya.

Napakahusay gumanap ni Sylvia Sanchez bilang si Barang. Binabantayan namin ang kanyang mga kilos at pagsasalita pero wala kaming masilip na eksenang humihiwalay siya o naliligaw sa kanyang karakter.

Ang pagsasalita niyang pautal-utal, ang ikot ng kanyang mga mata na malikot at walang direksiyon, napakalayo na ng narating ni Ibyang bilang mahusay na aktres.

Nakaiinggit ang samahan at pagmamahalan nila ni Andrea Brillantes sa serye. Nagkakilala sila habang bulag pa si Mira, nang makakita ito dahil sa himala ni Bro ay si Barang ang una nitong nakita, mula nu’n ay silang dalawa na ang palaging magkasama.

Napapanahon ang seryeng ito ngayong pandemya dahil ang palaging sentro ng istorya ay ang matinding pananampalataya sa Diyos. Anumang problema ay hindi dapat makagupo sa ating damdamin, huwag dapat tayong mangamba, dahil may Diyos na gumagabay sa atin.

Hawak lang, kapit pa nang mahigpit, lahat ng problema ay kayang solusyunan ng Panginoon. Pampalakas ng loob ang ikot ng kuwento ng seryeng ito.