WebClick Tracer

METRO

Babaeng negosyante, binoga sa ulo

Patay sa pamamaril ang isang babaeng negosyante nang asintahin ito sa ulo ng hindi nakilalang gunman sa Lipa City, Batangas Martes ng hapon.

Kinilala ng Lipa City police ang biktimang si Hydie Bathan, 37, tubong Madlangdungan, Calauag, Quezon at residente ng Barangay San Carlos, Lipa City.

Sa report, nasa loob ito ng kanyang tindahan alas-7:00 ng gabi, nang pumasok ang suspek at malapitang paputukan.

Agad namatay ang biktima matapos magtamo ng isang tama sa ulo.

Matapos ang pamamaril ay agad nang tumakas ang suspek.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen at kung sino ang suspek. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on